Vesper Worship Service
September 6, 2026 Lord’s Day #36
14 of 15 required Sections complete
Still needed
Call to Worship *
Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon, kayong Kanyang mga banal, at magpasalamat kayo sa Kanyang banal na pangalan.Congr:Sapagkat ang Kanyang galit ay sandali lamang, at ang Kanyang paglingap ay panghabang buhay. Maaaring magtagal nang magdamag ang pag-iyak, ngunit sa kinaumagahan ay dumarating ang galak.
Prayer of Invocation *
Ikiling Mo ang Iyong pandinig, O Panginoon, at ako’y sagutin Mo, sapagkat dukha at nangangailangan ako.Congr:Pasayahin Mo ang kaluluwa ng lingkod Mo, sapagkat sa Iyo, O Panginoon itinataas ko ang kaluluwa ko.
Hymn of Adoration *
How Great Thou Art
Confession of Sin
Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit. CONGR: Kami ay sumalangsang at nanghimagsik!
Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.
Prayer for Pardon
Words of Thanksgiving *
O magpasalamat kayo sa Panginoon, sapagkat Siya’y mabuti; ang Kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman. Ito ang pintuan ng Panginoon; ang matuwid ay papasok doon.Congr:Ako’y magpapasalamat sa Iyo sapagkat sinagot Mo ako at Ikaw ay naging kaligtasan ko. Ang batong itinakuwil ng mga nagtayo, ay naging panulok na bato.
Hymn of Proclamation *
Speak, O Lord
The Lord’s Discourses
Words of Institution
Prayer before Communion
Prayer
Leader onlyHindi kami nangangahas na lumapit sa banal Mong hapag, O mahabaging Panginoon, na nagtitiwala sa sarili naming katuwiran, kundi sa Iyong sagana at dakilang mga awa. Hindi kami karapat-dapat kahit man lamang pumulot ng mga mumo sa ilalim ng Iyong hapag. Gayunman, Ikaw ay Siya ring Panginoon, na ang likás na katangian ay laging magpakita ng awa. Ipagkaloob Mo nga sa amin, mapagpalang Panginoon, na sa pamamagitan ng pananampalataya aming makain ang laman ng Iyong minamahal na Anak na si Jesu-Cristo, at mainom ang Kaniyang dugo, upang ang aming mga katawang makasalanan ay luminis sa pamamagitan ng Kaniyang katawan, at ang aming mga kaluluwa ay mahugasan sa pamamagitan ng Kaniyang pinakamahalagang dugo, at upang kami’y manahan sa Kaniya magpakailanman, at Siya’y manahan sa amin. Palaguin mo sa amin ang tunay at buháy na pananampalataya na sa pamamagitan nito kami’y yumayakap kay Cristo. Bigyan mo kami ng kakayahang maniwala sa lahat ng mga pangako ng Ebanghelyo, at tanggapin sa Banal na Hapunang ito ang kumpirmasyon ng mga iyon ding pangako. Gisingin Mo, sa pamamagitan ng Iyong Banal na Espiritu, ang aming mga kaluluwa mula sa pagkakahimbing, upang matanggap namin ang Iyong kaligtasan, nang may pananabik at pasasalamat. Turuan Mo kaming hintayin ang aming Panginoong Jesu-Cristo mula sa langit, na Siyang magdadala sa amin sa Kaniyang sarili sa walang hanggang kaluwalhatian. Ito’y aming hinihiling nang may kababaang-loob sa Iyo, sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Jesu-Cristo, na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Banal na Espiritu, iisa na Diyos, magpakailanman. Amen.
Hymn of Communion *
Tinapay ng Buhay
The Lord’s Table *
Closing of the Table
Affirmation of Faith *
Kredo ng Nicaea
Sumasampalataya ako sa isang Diyos, ang Amang Makapangyarihan-sa-lahat, Maylikha ng langit at lupa, ng lahat ng mga bagay na nakikita at di- nakikita. At sa isang Panginoong Jesu-Cristo, ang Bugtong na Anak ng Diyos, ipinanganak ng Ama bago pa ang lahat ng mga panahon; Diyos mula sa Diyos, Liwanag mula sa Liwanag, tunay na Diyos mula sa tunay na Diyos; ipinanganak, hindi nilikha, kaisang kalikasan ng Ama, na sa pamamagitan Niya ay nilikha ang lahat. Siya, na para sa ating mga tao at para sa ating kaligtasan, ay bumaba mula sa langit, at nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at mula kay birheng Maria, at naging tao. Siya ay ipinako sa krus para sa atin sa ilalim ni Poncio Pilato; Siya ay nagdusa at inilibing. Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli, ayon sa mga Kasulatan; at umakyat sa langit, at naluklok sa kanang-kamay ng Ama. Siya ay muling paparito, nang may kaluwalhatian, upang hatulan ang mga buhay at mga patay; at ang Kanyang kaharian ay hindi magwawakas. At sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, ang Panginoon at Tagapagbigay-buhay, na nagmumula sa Ama at sa Anak, Siya na kasama ng Ama at ng Anak ay sinasamba at niluluwalhati; Siya na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta. At sumasampalataya ako sa isang banal, pangkalahatan, at apostolikang Iglesya. Kinikilala ko ang isang bautismo sa kapatawaran ng mga kasalanan. Tumatanaw ako sa muling pagkabuhay ng mga patay, at sa buhay sa sanlibutang darating. Amen.
Offertory & Thanksgiving
Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa’t mabuting gawa:
Prayer Meeting
The Great Commission *
Benediction *
Ngayon sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan sa harapan ng Kanyang kaluwalhatian na may malaking kagalakan, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon, Sumakanya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang kapangyarihan at ang kapamahalaan, bago pa ang lahat ng panahon, at ngayon at magpakailanman. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen.
Doxology *
The Lord Bless You and Keep You