16 of 16 required Sections complete
Ready for publication
Page 1
Morning Worship Service
September 20, 2026 Lord’s Day #38
Call to Worship *
Verbal Cue
Leader onlyPakinggan natin ang panawagan sa atin ng Diyos upang Siya’y sambahin. Ating basahin ang Mga Awit 66:5, 8–9.
Halikayo at tingnan ang ginawa ng Diyos: Siya’y kakilakilabot sa Kanyang mga gawa sa gitna ng mga tao.Congr:O purihin ninyo ang aming Diyos, kayong mga bayan, ang tinig ng pagpupuri sa Kanya ay hayaang mapakinggan, na umaalalay sa amin kasama ng mga buháy, at hindi hinayaang madulas ang aming mga paa.
Prayer of Invocation *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong tawagin ng ating Panginoon upang sambahin Siya, dapat nating makita na tayo ay nangangailangan ng Kanyang buháy na Espiritu upang tayo’y makapaghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba. Tayo’y manawagan sa Diyos sa mga salitang ito mula sa Mga Awit 80:2–3:
Pakilusin Mo ang Iyong kapangyarihan, at pumarito Ka upang kami’y iligtas.Congr:Panunumbalikin Mo kami, O Diyos; paliwanagin Mo ang Iyong mukha, upang kami ay maligtas!
Hymn of Adoration *
Lahat ng mga Nilalang
Verbal Cue
Leader onlySa tulong ng buháy na Espiritu ng Diyos, tayo’y magpuri sa ating Diyos na Trinidad. Ating awitin ang Lahat ng mga Nilalang.
Righteousness of God *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong magbigay ng papuri at pagsamba sa isang Diyos na buhay at banal sa pamamagitan ng isang awitin, atin namang iharap ang ating mga sarili sa Kanyang kautusan. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos <Exodo 20:1–17>:
Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi: Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 1 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. 2 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na diyus-diyosan. 3 Huwag mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 5 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 6 Huwag kang papatay. 7 Huwag kang mangangalunya. 8 Huwag kang magnanakaw. 9 Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. 10 Huwag mong iimbutin ang anumang bagay ng iyong kapwa.
Call to Confession
Verbal Cue
Leader onlyNasaksihan natin ang kabanalan at kadakilan ng Diyos sa Kanyang mga salmo at sa Kanyang kautusan. Ngayo’y tinatawag naman tayo upang magsisi sa ating mga kasalanan. Pakinggan natin ang panawagan sa atin sa 1 Juan 1:8–9.
Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ang Diyos ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
Confession of Sin
Verbal Cue
Leader onlyMga kapatid at mga minamahal, ating sabay-sabay ihayag ang ating mga kasalanan sa Diyos:
Prayer
O mahabaging Diyos at Ama, kami’y nagpapakumbaba sa Iyong harapan, sapagkat kami’y lubhang nagkasala laban sa Iyo. Madalas naming hindi ginagawa ang Iyong iniuutos, at madalas naming ginagawa ang Iyong ipinagbabawal. Kami’y parang mga tupang naligaw; bawat isa sa amin ay lumihis sa kaniyang sariling daan. Kinikilala namin ang aming lubos na kasamaan, at taos-puso kaming nagsisisi sa lahat ng aming mga kasalanan. Gayunman, O mapagbiyayang Ama, alam naming ang Iyong habag sa mga bumabaling sa Iyo ay walang hanggan; kaya kami’y naglalakas-loob na tumawag sa Iyo mula sa kaibuturan ng aming mga puso, na nagtitiwala sa aming Tagapamagitan na si Jesu-Cristo para sa aming kaligtasan. Mahabag po Kayo sa amin at patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan alang-alang kay Cristo, para sa ikaluluwalhati ng Iyong Pangalan. Amen.
Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.
Page 2
Hymn of Propitiation *
O Pag-Ibig na Dakila
Verbal Cue
Leader onlyBilang tugon sa kaligtasan na mayroon kay Cristo Jesus, ating awitin ang “O Pag-Ibig na Dakila.”
Assurance of Pardon *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating ihayag ang ating mga sala sa isang banal na Diyos, atin namang pakinggan ang Kanyang salita na nagpapakita ng katiyakan ng pagpapatawad ng isang maawain at mapagbiyayang Diyos.
Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki. Sapagkat tayo’y Kanyang pinakamahusay na gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang Siya nating lakaran.
Absolution
Min:Sumasampalataya ba kayo sa ebanghelyong ito?Congr:Sumasampalataya kami.Min:Kung gayon, sa awtoridad ng Salita ni Cristo, habang kayo’y nagpapatotoo sa inyong sariling paniniwala sa ebanghelyo, ipinahahayag ng Kasulatan sa inyo na ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, at kayo’y wala na sa ilalim ng kaparusahan ng Diyos. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.Congr:Amen.
Prayer for Illumination
Verbal Cue
Leader onlyTayo po ay manalangin.
Hymn of Proclamation *
Aking mga Mata’y Buksan
Verbal Cue
Leader onlyBilang paghahanda sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating awitin ang Aking mga Mata’y Buksan. Ito ang sinasabi ng [Scripture]:
Sermon
Christ Our Access
Ephesians 2:11-18
Dcn. John Madrid
Hymn of Dedication
O Kay Buting Kaibigan
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating marinig ang pangangaral ng Salita ng Diyos na mamuhay bilang mga Kristiyano ayon sa Espiritu, ating awitin ang “O Kay Buting Kaibigan” bilang tugon.
Affirmation of Faith *
Kredong Apostolico
Verbal Cue
Leader onlyAno ang ating paniniwala at dapat paniwalaan?
Sumasampalataya ako sa Diyos, ang Amang Makapangyarihan-sa-lahat, maylikha ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang Kanyang bugtong na Anak, na ating Panginoon. Siya ay ipinagdalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ipinanganak ni Birheng Maria. Nagdusa sa ilalim ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Siya ay bumaba sa mga patay. Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli; Siya ay umakyat sa langit, Siya ay naluklok sa kanang kamay ng Ama, at mula roon Siya ay babalik upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, sa banal na pangkalahatang Iglesya, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Offertory Call
Verbal Cue
Leader onlyBilang bahagi ng ating pagsamba sa ating Diyos na buháy, tayo ay magkakaloob. Sa sulat ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 9:7–8, makikita natin ang pangako ng Diyos sa mga nagkakaloob para sa gawain ng Panginoon:
Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya. At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa.
Hymn of Thanksgiving
Diyos Pasalamatan
Verbal Cue
Leader onlyHabang tayo’y nagkakaloob, ating sariwain ang mga kabutihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Diyos Pasalamatan.
Pastoral Prayer
Charge *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating makita ang pagliligtas ng Diyos at marinig ang Kanyang Salita, ano ang nararapat nating tugon?
Benediction *
Verbal Cue
Leader onlyTanggapin natin ang basbas mula sa Efeso 3:20–21:
Ngayon, sa Kanya na makakagawa ng higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, Sumakanya nawa ang kaluwalhatian sa iglesya at kay Cristo Jesus sa lahat ng mga salinlahi, magpakailanpaman. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen.
Doxology *
The Lord Bless You and Keep You