16 of 16 required Sections complete

Ready for publication

Page 1

Morning Worship Service

August 2, 2026 Lord’s Day #31

Call to Worship *

Pahayag 4:8, 11

  • Verbal Cue

    Leader only

    Pakinggan natin ang panawagan sa atin ng Diyos upang Siya’y sambahin. Ating basahin ang Pahayag 4:8, 11.

  • At sila’y walang humpay na nagsasabi araw at gabi,Congr:“Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, ang noon at ang ngayon at ang darating!”“Karapat-dapat Ka, O Panginoon at Diyos namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan,Congr:sapagkat nilikha Mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa Iyong kalooban ay nabuhay sila at nalikha.”

Prayer of Invocation *

Mga Awit 4:3

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos tayong tawagin ng ating Panginoon upang sambahin Siya, dapat nating makita na tayo ay nangangailangan ng Kanyang buháy na Espiritu upang tayo’y makapaghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba. Tayo’y manawagan sa Diyos sa mga salitang ito mula sa Mga Awit 4:3:

  • Ngunit alamin ninyo na ibinukod ng Panginoon para sa Kanyang sarili ang banal;Congr:Ang Panginoon ay nakikinig kapag sa Kanya ako’y nagdarasal.

Hymn of Adoration *

Kabanal-banalan

  • Verbal Cue

    Leader only

    Sa tulong ng buháy na Espiritu ng Diyos, tayo’y magpuri sa ating Diyos na Trinidad. Ating awitin ang Kabanal-banalan.

Righteousness of God *

Exodo 20:1–17

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos tayong magbigay ng papuri at pagsamba sa isang Diyos na buhay at banal sa pamamagitan ng isang awitin, atin namang iharap ang ating mga sarili sa Kanyang kautusan. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos <Exodo 20:1–17>:

  • Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi: Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 1 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. 2 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na diyus-diyosan. 3 Huwag mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 5 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 6 Huwag kang papatay. 7 Huwag kang mangangalunya. 8 Huwag kang magnanakaw. 9 Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. 10 Huwag mong iimbutin ang anumang bagay ng iyong kapwa.

Call to Confession

1 Juan 1:8–9

  • Verbal Cue

    Leader only

    Nasaksihan natin ang kabanalan at kadakilan ng Diyos sa Kanyang mga salmo at sa Kanyang kautusan. Ngayo’y tinatawag naman tayo upang magsisi sa ating mga kasalanan. Pakinggan natin ang panawagan sa atin sa 1 Juan 1:8–9.

  • Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ang Diyos ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Confession of Sin

  • Verbal Cue

    Leader only

    Mga kapatid at mga minamahal, ating sabay-sabay ihayag ang ating mga kasalanan sa Diyos:

  • Prayer

    O mahabaging Diyos at Ama, kami’y nagpapakumbaba sa Iyong harapan, sapagkat kami’y lubhang nagkasala laban sa Iyo. Madalas naming hindi ginagawa ang Iyong iniuutos, at madalas naming ginagawa ang Iyong ipinagbabawal. Kami’y parang mga tupang naligaw; bawat isa sa amin ay lumihis sa kaniyang sariling daan. Kinikilala namin ang aming lubos na kasamaan, at taos-puso kaming nagsisisi sa lahat ng aming mga kasalanan. Gayunman, O mapagbiyayang Ama, alam naming ang Iyong habag sa mga bumabaling sa Iyo ay walang hanggan; kaya kami’y naglalakas-loob na tumawag sa Iyo mula sa kaibuturan ng aming mga puso, na nagtitiwala sa aming Tagapamagitan na si Jesu-Cristo para sa aming kaligtasan. Mahabag po Kayo sa amin at patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan alang-alang kay Cristo, para sa ikaluluwalhati ng Iyong Pangalan. Amen.

Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.

Page 2

Hymn of Propitiation *

Damit Niya’y Akin

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang tugon sa kaligtasan na mayroon kay Cristo Jesus, ating awitin ang “Damit Niya’y Akin.”

Assurance of Pardon *

Galacia 1:3, 4; Roma 8:35, 38, 39

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating ihayag ang ating mga sala sa isang banal na Diyos, atin namang pakinggan ang Kanyang salita na nagpapakita ng katiyakan ng pagpapatawad ng isang maawain at mapagbiyayang Diyos.

  • Galacia 1:3, 4Roma 8:35, 38, 39

    Ang Panginoong Jesu-Cristo ang nagbigay ng Kanyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo’y Kanyang mailigtas mula sa kasalukuyang masamang kapanahunan, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. Sino, kung gayon, ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Sapagkat tayo’y naniniwalang lubos na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

  • Absolution

    Min:Sumasampalataya ba kayo sa ebanghelyong ito?Congr:Sumasampalataya po kami.Min:Kung gayon, sa awtoridad ng Salita ni Cristo, habang kayo’y nagpapatotoo sa inyong sariling paniniwala sa ebanghelyo, ipinahahayag ng Kasulatan sa inyo na ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, at kayo’y wala na sa ilalim ng kaparusahan ng Diyos. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.Congr:Amen.

Prayer for Illumination

  • Verbal Cue

    Leader only

    Let us all pray.

Hymn of Proclamation *

Tinapay ng Buhay

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang paghahanda sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating awitin ang Tinapay ng Buhay. Ito ang sinasabi ng [Scripture]:

Sermon

  • Sino si Sarah at ang Diyos ng Tipan — Genesis 17:15–17

Hymn of Dedication

Tunay Kang Matapat

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating marinig ang pangangaral ng Salita ng Diyos na mamuhay bilang mga Kristiyano ayon sa Espiritu, ating awitin ang “Tunay Kang Matapat” bilang tugon.

Affirmation of Faith *

Apostles’ Creed

  • Verbal Cue

    Leader only

    Ano ang dapat nating paniwalaan?

  • I believe in God, the Father almighty, maker of heaven and earth. I believe in Jesus Christ, his only Son, our Lord. He was conceived by the Holy Spirit and born of the Virgin Mary. He suffered under Pontius Pilate, was crucified, died, and was buried; He descended to the dead. On the third day he rose again; He ascended into heaven, He is seated at the right hand of the Father. and He will come again to judge the living and the dead. I believe in the Holy Spirit, the holy catholic Church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and the life everlasting. Amen.

Offertory Call

2 Corinto 9:10–12

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang bahagi ng ating pagsamba sa ating Diyos na buháy, tayo ay magkakaloob. Sa sulat ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 9:10–12, makikita natin ang pangako ng Diyos sa mga nagkakaloob para sa gawain ng Panginoon:

  • Siyang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay bilang pagkain ay Siyang magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magpaparami ng mga bunga ng inyong pagiging matuwid; na kayo ay pinayayaman sa bawat bagay dahil sa inyong kagandahang-loob, na sa pamamagitan namin ay nagbubunga ng pasasalamat sa Diyos. Sapagkat ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang pumupuno sa pangangailangan ng mga banal, kundi umaapaw rin sa pamamagitan ng maraming pasasalamat sa Diyos.

Hymn of Thanksgiving

Diyos Pasalamatan

  • Verbal Cue

    Leader only

    Habang tayo’y nagkakaloob, ating sariwain ang mga kabutihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Diyos Pasalamatan.

Pastoral Prayer

  • Verbal Cue

    Matapos nating makita ang pagliligtas ng Diyos at marinig ang Kanyang Salita, ano ang nararapat nating tugon?

  • Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Benediction *

Judas 1:24–25

  • Verbal Cue

    Leader only

    Tanggapin natin ang basbas mula sa Judas 1:24–25:

  • Ngayon sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan sa harapan ng Kanyang kaluwalhatian na may malaking kagalakan, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon, Sumakanya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang kapangyarihan at ang kapamahalaan, bago pa ang lahat ng panahon, at ngayon at magpakailanman. Amen.

  • Trinitarian Seal

    Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen.

Doxology *

The Lord Bless You and Keep You