16 of 16 required Sections complete

Page 1

Morning Worship Service

September 6, 2026 Lord’s Day #36

Call to Worship *

Mga Awit 29:1–4

  • Verbal Cue

    Leader only

    Pakinggan natin ang panawagan sa atin ng Diyos upang Siya’y sambahin. Ating basahin ang Mga Awit 29:1–4.

  • Mag-ukol kayo sa Panginoon, O mga anak ng makapangyarihan, mag-ukol kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Iukol ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatia na nararapat sa Kanyang pangalan; sambahin ninyo ang Panginoon sa banal na kagayakan.Congr:Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng mga tubig; ang Diyos ng kaluwalhatian ay kumukulog, ang Panginoon, sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan, ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kadakilaan.

Prayer of Invocation *

Mga Awit 4:3

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos tayong tawagin ng ating Panginoon upang sambahin Siya, dapat nating makita na tayo ay nangangailangan ng Kanyang buháy na Espiritu upang tayo’y makapaghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba. Tayo’y manawagan sa Diyos sa mga salitang ito mula sa Mga Awit 4:3:

  • Ngunit alamin ninyo na ibinukod ng Panginoon para sa Kanyang sarili ang banal;Congr:Ang Panginoon ay nakikinig kapag sa Kanya ako’y nagdarasal.

Psalm of Adoration *

Salmo 42:1–5

  • Verbal Cue

    Leader only

    Sa tulong ng buháy na Espiritu ng Diyos, tayo’y magpuri sa ating Diyos na Trinidad. Ating awitin ang Salmo 42:1–5.

Righteousness of God *

Exodo 20:1–17

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos tayong magbigay ng papuri at pagsamba sa isang Diyos na buhay at banal sa pamamagitan ng isang awitin, atin namang iharap ang ating mga sarili sa Kanyang kautusan. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos <Exodo 20:1–17>:

  • Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi: Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 1 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. 2 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na diyus-diyosan. 3 Huwag mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 5 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 6 Huwag kang papatay. 7 Huwag kang mangangalunya. 8 Huwag kang magnanakaw. 9 Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. 10 Huwag mong iimbutin ang anumang bagay ng iyong kapwa.

Call to Confession

1 Juan 1:8–9

  • Verbal Cue

    Leader only

    Nasaksihan natin ang kabanalan at kadakilan ng Diyos sa Kanyang mga salmo at sa Kanyang kautusan. Ngayo’y tinatawag naman tayo upang magsisi sa ating mga kasalanan. Pakinggan natin ang panawagan sa atin sa 1 Juan 1:8–9.

  • Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ang Diyos ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Confession of Sin

  • Verbal Cue

    Leader only

    Mga kapatid at mga minamahal, ating sabay-sabay ihayag ang ating mga kasalanan sa Diyos:

  • Prayer

    O mahabaging Diyos at Ama, kami’y nagpapakumbaba sa Iyong harapan, sapagkat kami’y lubhang nagkasala laban sa Iyo. Madalas naming hindi ginagawa ang Iyong iniuutos, at madalas naming ginagawa ang Iyong ipinagbabawal. Kami’y parang mga tupang naligaw; bawat isa sa amin ay lumihis sa kaniyang sariling daan. Kinikilala namin ang aming lubos na kasamaan, at taos-puso kaming nagsisisi sa lahat ng aming mga kasalanan. Gayunman, O mapagbiyayang Ama, alam naming ang Iyong habag sa mga bumabaling sa Iyo ay walang hanggan; kaya kami’y naglalakas-loob na tumawag sa Iyo mula sa kaibuturan ng aming mga puso, na nagtitiwala sa aming Tagapamagitan na si Jesu-Cristo para sa aming kaligtasan. Mahabag po Kayo sa amin at patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan alang-alang kay Cristo, para sa ikaluluwalhati ng Iyong Pangalan. Amen.

Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.

Page 2

Hymn of Propitiation *

O Ama, Na S’yang Noon Pa

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang tugon sa kaligtasan na mayroon kay Cristo Jesus, ating awitin ang “O Ama, Na S’yang Noon Pa.”

Assurance of Pardon *

1 Timoteo 1:15; Roma 8:35, 38–39

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating ihayag ang ating mga sala sa isang banal na Diyos, atin namang pakinggan ang Kanyang salita na nagpapakita ng katiyakan ng pagpapatawad ng isang maawain at mapagbiyayang Diyos.

  • 1 Timoteo 1:15Roma 8:35, 38–39

    Tapat ang salita at nararapat tanggapin nang lubos, na si Cristo Jesus ay pumarito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. Sino, kung gayon, ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Sapagkat tayo’y naniniwalang lubos na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

  • Absolution

    Min:Sumasampalataya ba kayo sa ebanghelyong ito?Congr:Sumasampalataya kami.Min:Kung gayon, sa awtoridad ng Salita ni Cristo, habang kayo’y nagpapatotoo sa inyong sariling paniniwala sa ebanghelyo, ipinahahayag ng Kasulatan sa inyo na ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, at kayo’y wala na sa ilalim ng kaparusahan ng Diyos. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.Congr:Amen.

Prayer for Illumination

  • Verbal Cue

    Leader only

    Tayo po ay manalangin.

Hymn of Proclamation *

O’ Jehovah Patnubayan

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang paghahanda sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating awitin ang O’ Jehovah Patnubayan. Ito ang sinasabi ng [Scripture]:

Sermon

  • Sino si Rebecca at ang Pagbabasbas

    Genesis 24:34-67

    Ptr. Rolando Ybamit

Hymn of Dedication

Tunay Kang Matapat

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating marinig ang pangangaral ng Salita ng Diyos na mamuhay bilang mga Kristiyano ayon sa Espiritu, ating awitin ang “Tunay Kang Matapat” bilang tugon.

Affirmation of Faith *

Kredong Apostolico

  • Verbal Cue

    Leader only

    Ano ang ating paniniwala at dapat paniwalaan?

  • Sumasampalataya ako sa Diyos, ang Amang Makapangyarihan-sa-lahat, maylikha ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang Kanyang bugtong na Anak, na ating Panginoon. Siya ay ipinagdalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ipinanganak ni Birheng Maria. Nagdusa sa ilalim ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Siya ay bumaba sa mga patay. Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli; Siya ay umakyat sa langit, Siya ay naluklok sa kanang kamay ng Ama, at mula roon Siya ay babalik upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, sa banal na pangkalahatang Iglesya, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Offertory Call

2 Corinto 9:7–8

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang bahagi ng ating pagsamba sa ating Diyos na buháy, tayo ay magkakaloob. Sa sulat ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 9:7–8, makikita natin ang pangako ng Diyos sa mga nagkakaloob para sa gawain ng Panginoon:

  • Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya. At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa.

Hymn of Thanksgiving

Diyos Pasalamatan

  • Verbal Cue

    Leader only

    Habang tayo’y nagkakaloob, ating sariwain ang mga kabutihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Diyos Pasalamatan.

Pastoral Prayer

Charge *

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating makita ang pagliligtas ng Diyos at marinig ang Kanyang Salita, ano ang nararapat nating tugon?

Benediction *

Judas 1:24–25

  • Verbal Cue

    Leader only

    Tanggapin natin ang basbas mula sa Judas 1:24–25:

  • Ngayon sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan sa harapan ng Kanyang kaluwalhatian na may malaking kagalakan, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon, Sumakanya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang kapangyarihan at ang kapamahalaan, bago pa ang lahat ng panahon, at ngayon at magpakailanman. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen.

Doxology *

The Lord Bless You and Keep You