16 of 16 required Sections complete
Ready for publication
Page 1
Morning Worship Service
October 4, 2026 Lord’s Day #40
Call to Worship *
Verbal Cue
Leader onlyPakinggan natin ang panawagan sa atin ng Diyos upang Siya’y sambahin. Ating basahin ang Mga Awit 96:2–5.
Umawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan Niya; ipahayag ninyo ang Kanyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo sa mga bansa ang Kanyang kaluwalhatian, ang kagila-gilalas Niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan!Congr:Sapagkat dakila ang Panginoon, at karapat-dapat na purihin; Siya’y dapat katakutan nang higit kaysa lahat na diyos. Sapagkat lahat ng mga diyos sa mga bayan ay mga diyus-diyosan, ngunit ang Panginoon ang lumikha ng mga kalangitan.
Prayer of Invocation *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong tawagin ng ating Panginoon upang sambahin Siya, dapat nating makita na tayo ay nangangailangan ng Kanyang buháy na Espiritu upang tayo’y makapaghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba. Tayo’y manawagan sa Diyos sa mga salitang ito mula sa Mga Awit 88:1–2:
O Panginoon, Diyos ng aking kaligtasan, ako’y dumaing araw at gabi sa harap Mo.Congr:Paratingin Mo nawa ang aking panalangin sa harapan Mo, ang Iyong pandinig sa aking daing ay ikiling Mo!
Hymn of Adoration *
Lahat ng mga Nilalang
Verbal Cue
Leader onlySa tulong ng buháy na Espiritu ng Diyos, tayo’y magpuri sa ating Diyos na Trinidad. Ating awitin ang Lahat ng mga Nilalang.
Righteousness of God *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong magbigay ng papuri at pagsamba sa isang Diyos na buhay at banal sa pamamagitan ng isang awitin, atin namang iharap ang ating mga sarili sa Kanyang kautusan. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos <Exodo 20:1–17>:
Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi: Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 1 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. 2 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na diyus-diyosan. 3 Huwag mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 5 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 6 Huwag kang papatay. 7 Huwag kang mangangalunya. 8 Huwag kang magnanakaw. 9 Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. 10 Huwag mong iimbutin ang anumang bagay ng iyong kapwa.
Call to Confession
Verbal Cue
Leader onlyNasaksihan natin ang kabanalan at kadakilan ng Diyos sa Kanyang mga salmo at sa Kanyang kautusan. Ngayo’y tinatawag naman tayo upang magsisi sa ating mga kasalanan. Pakinggan natin ang panawagan sa atin sa 1 Juan 1:8–9.
Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ang Diyos ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
Confession of Sin
Verbal Cue
Leader onlyMga kapatid at mga minamahal, ating sabay-sabay ihayag ang ating mga kasalanan sa Diyos:
Prayer
Makapangyarihang Diyos, na ang kaluwalhatian ay pumupuno sa mga langit, at ang Iyong trono ay nakatayo sa itaas ng mga Kerubin, ipinahahayag namin na kami ay nagkasala laban sa Iyo sa aming mga iniisip, mga salita, at mga gawa. Dinungisan namin ang Iyong Banal na Pangalan at tinalikuran ang Iyong kautusan. Hindi namin hinanap ang Iyong mukha nang buong puso, at marami kaming mabubuting gawa na hindi nagawa. Sindihan Mo sa amin ang banal na dalamhati para sa aming paghihimagsik at para sa katuwirang aming pinabayaan. O Panginoon, Ikaw ay matuwid sa paghatol, ngunit mayaman sa awa at tapat sa pag-ibig. Sa Iyo ay may masaganang kapatawaran. Pagalingin Mo ang aming pagkawasak, liwanagan Mo ang aming madilim na isipan, patatagin Mo ang aming mahihinang kalooban, at pagkalooban Mo ng kapayapaan ang aming mga balisang kaluluwa. Amen.
Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.
Page 2
Hymn of Propitiation *
O’ Pag-Ibig na Dakila
Verbal Cue
Leader onlyBilang tugon sa kaligtasan na mayroon kay Cristo Jesus, ating awitin ang “O’ Pag-Ibig na Dakila.”
Assurance of Pardon *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating ihayag ang ating mga sala sa isang banal na Diyos, atin namang pakinggan ang Kanyang salita na nagpapakita ng katiyakan ng pagpapatawad ng isang maawain at mapagbiyayang Diyos.
- Roma 8:31, 33–35Roma 8:35, 38–39
Ano nga ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin? Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos ang Siyang umaaring-ganap. Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, Siyang muling binuhay mula sa mga patay, na Siya ring nasa kanan ng Diyos, na Siya ring namamagitan para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kahirapan ba, o ang kapighatian, o ang pag-uusig, o ang taggutom, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? Sino, kung gayon, ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Sapagkat tayo’y naniniwalang lubos na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Absolution
Min:Sumasampalataya ba kayo sa ebanghelyong ito?Congr:Sumasampalataya kami.Min:Kung gayon, sa awtoridad ng Salita ni Cristo, habang kayo’y nagpapatotoo sa inyong sariling paniniwala sa ebanghelyo, ipinahahayag ng Kasulatan sa inyo na ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, at kayo’y wala na sa ilalim ng kaparusahan ng Diyos. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.Congr:Amen.
Prayer for Illumination
Verbal Cue
Leader onlyTayo po ay manalangin.
Hymn of Proclamation *
Aking mga Mata’y Buksan
Verbal Cue
Leader onlyBilang paghahanda sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating awitin ang Aking mga Mata’y Buksan.
Sermon
Sina Lea at Rachel at ang Kanilang Tunggalian
Mga Babaeng Ibinukod ng Diyos
Gen 29:15-35; 30:1-24; 35:16-19
Pastor Rolando Ybamit
Hymn of Dedication
Tunay Kang Matapat
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating marinig ang pangangaral ng Salita ng Diyos na mamuhay bilang mga Kristiyano ayon sa Espiritu, ating awitin ang “Tunay Kang Matapat” bilang tugon.
Affirmation of Faith *
Kredong Apostolico
Verbal Cue
Leader onlyAno ang ating paniniwala at dapat paniwalaan?
Sumasampalataya ako sa Diyos, ang Amang Makapangyarihan-sa-lahat, maylikha ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang Kanyang bugtong na Anak, na ating Panginoon. Siya ay ipinagdalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ipinanganak ni Birheng Maria. Nagdusa sa ilalim ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Siya ay bumaba sa mga patay. Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli; Siya ay umakyat sa langit, Siya ay naluklok sa kanang kamay ng Ama, at mula roon Siya ay babalik upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, sa banal na pangkalahatang Iglesya, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Offertory Call
Verbal Cue
Leader onlyBilang bahagi ng ating pagsamba sa ating Diyos na buháy, tayo ay magkakaloob. Sa sulat ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 9:10–12, makikita natin ang pangako ng Diyos sa mga nagkakaloob para sa gawain ng Panginoon:
Siyang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay bilang pagkain ay Siyang magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magpaparami ng mga bunga ng inyong pagiging matuwid; na kayo ay pinayayaman sa bawat bagay dahil sa inyong kagandahang-loob, na sa pamamagitan namin ay nagbubunga ng pasasalamat sa Diyos. Sapagkat ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang pumupuno sa pangangailangan ng mga banal, kundi umaapaw rin sa pamamagitan ng maraming pasasalamat sa Diyos.
Hymn of Thanksgiving
Diyos Pasalamatan
Verbal Cue
Leader onlyHabang tayo’y nagkakaloob, ating sariwain ang mga kabutihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Diyos Pasalamatan.
Pastoral Prayer
Charge *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating makita ang pagliligtas ng Diyos at marinig ang Kanyang Salita, ano ang nararapat nating tugon?
Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod: Mangagtiisan kayo sa isa’t isa, at mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin: At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.
Benediction *
Verbal Cue
Leader onlyTanggapin natin ang basbas mula sa Judas 1:24–25:
Ngayon sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan sa harapan ng Kanyang kaluwalhatian na may malaking kagalakan, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon, Sumakanya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang kapangyarihan at ang kapamahalaan, bago pa ang lahat ng panahon, at ngayon at magpakailanman.
Doxology *
The Lord Bless You and Keep You