16 of 16 required Sections complete

Page 1

Morning Worship Service

July 26, 2026 Lord’s Day #30

Call to Worship *

Mga Awit 145:1–2

  • Verbal Cue

    Leader only

    Pakinggan natin ang panawagan sa atin ng Diyos upang Siya’y sambahin. Ating basahin ang Mga Awit 145:1–2.

  • Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. Congr:Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.

Prayer of Invocation *

Mga Awit 109:21–22

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos tayong tawagin ng ating Panginoon upang sambahin Siya, dapat nating makita na tayo ay nangangailangan ng Kanyang buháy na Espiritu upang tayo’y makapaghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba. Tayo’y manawagan sa Diyos sa mga salitang ito mula sa Mga Awit 109:21–22:

  • Nguni’t gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, Congr:Sapagka’t ako’y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.

Hymn of Adoration *

Great Is Thy Faithfulness

  • Verbal Cue

    Leader only

    Sa tulong ng buháy na Espiritu ng Diyos, tayo’y magpuri sa ating Diyos na Trinidad. Ating awitin ang Great Is Thy Faithfulness.

Righteousness of God *

Exodo 20:1–17

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos tayong magbigay ng papuri at pagsamba sa isang Diyos na buhay at banal sa pamamagitan ng isang awitin, atin namang iharap ang ating mga sarili sa Kanyang kautusan. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos <Exodo 20:1–17>:

  • Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi: Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 1 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. 2 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na diyus-diyosan. 3 Huwag mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 5 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 6 Huwag kang papatay. 7 Huwag kang mangangalunya. 8 Huwag kang magnanakaw. 9 Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. 10 Huwag mong iimbutin ang anumang bagay ng iyong kapwa.

Call to Confession

1 Juan 1:8–9

  • Verbal Cue

    Leader only

    Nasaksihan natin ang kabanalan at kadakilan ng Diyos sa Kanyang mga salmo at sa Kanyang kautusan. Ngayo’y tinatawag naman tayo upang magsisi sa ating mga kasalanan. Pakinggan natin ang panawagan sa atin sa 1 Juan 1:8–9.

  • Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Confession of Sin

  • Verbal Cue

    Leader only

    Mga kapatid at mga minamahal, ating sabay-sabay ihayag ang ating mga kasalanan sa Diyos:

  • Prayer

    O mahabaging Diyos at Ama, kami’y nagpapakumbaba sa Iyong harapan, sapagkat kami’y lubhang nagkasala laban sa Iyo. Madalas naming hindi ginagawa ang Iyong iniuutos, at madalas naming ginagawa ang Iyong ipinagbabawal. Kami’y parang mga tupang naligaw; bawat isa sa amin ay lumihis sa kaniyang sariling daan. Kinikilala namin ang aming lubos na kasamaan, at taos-puso kaming nagsisisi sa lahat ng aming mga kasalanan. Gayunman, O mapagbiyayang Ama, alam naming ang Iyong habag sa mga bumabaling sa Iyo ay walang hanggan; kaya kami’y naglalakas-loob na tumawag sa Iyo mula sa kaibuturan ng aming mga puso, na nagtitiwala sa aming Tagapamagitan na si Jesu-Cristo para sa aming kaligtasan. Mahabag po Kayo sa amin at patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan alang-alang kay Cristo, para sa ikaluluwalhati ng Iyong Pangalan. Amen.

Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.

Page 2

Hymn of Propitiation *

Rock of Ages

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang tugon sa kaligtasan na mayroon kay Cristo Jesus, ating awitin ang “Rock of Ages.”

Assurance of Pardon *

1 Pedro 2:24

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating ihayag ang ating mga sala sa isang banal na Diyos, atin namang pakinggan ang Kanyang salita na nagpapakita ng katiyakan ng pagpapatawad ng isang maawain at mapagbiyayang Diyos.

  • Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa punungkahoy, upang tayo’y mamatay sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran. “Dahil sa Kanyang mga sugat ay gumaling kayo.”

  • Absolution

    Min:Sumasampalataya ba kayo sa ebanghelyong ito?Congr:Sumasampalataya kami.Min:Kung gayon, sa awtoridad ng Salita ni Cristo, habang kayo’y nagpapatotoo sa inyong sariling paniniwala sa ebanghelyo, ipinahahayag ng Kasulatan sa inyo na ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, at kayo’y wala na sa ilalim ng kaparusahan ng Diyos. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.Congr:Amen.

Prayer for Illumination

  • Verbal Cue

    Leader only

    Let us pray.

Hymn of Proclamation *

Speak, O Lord

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang paghahanda sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating awitin ang Speak, O Lord. Ito ang sinasabi ng [Scripture]:

Sermon

  • Colossians 2:6-10

Hymn of Dedication

Be Thou My Vision

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating marinig ang pangangaral ng Salita ng Diyos na mamuhay bilang mga Kristiyano ayon sa Espiritu, ating awitin ang “Be Thou My Vision” bilang tugon.

Affirmation of Faith *

Kredong Apostolico

  • Verbal Cue

    Leader only

    Ano ang ating paniniwala at dapat paniwalaan?

  • Sumasampalataya ako sa Diyos, ang Amang Makapangyarihan-sa-lahat, maylikha ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang Kanyang bugtong na Anak, na ating Panginoon. Siya ay ipinagdalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ipinanganak ni Birheng Maria. Nagdusa sa ilalim ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Siya ay bumaba sa mga patay. Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli; Siya ay umakyat sa langit, Siya ay naluklok sa kanang kamay ng Ama, at mula roon Siya ay babalik upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, sa banal na pangkalahatang Iglesya, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Offertory Call

2 Corinto 9:7–8

  • Verbal Cue

    Leader only

    Bilang bahagi ng ating pagsamba sa ating Diyos na buháy, tayo ay magkakaloob. Sa sulat ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 9:7–8, makikita natin ang pangako ng Diyos sa mga nagkakaloob para sa gawain ng Panginoon:

  • Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa’t mabuting gawa:

Psalm of Thanksgiving

Psalm 103

  • Verbal Cue

    Leader only

    Habang tayo’y nagkakaloob, ating sariwain ang mga kabutihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Psalm 103.

Pastoral Prayer

Charge *

  • Verbal Cue

    Leader only

    Matapos nating makita ang pagliligtas ng Diyos at marinig ang Kanyang Salita, ano ang nararapat nating tugon?

  • Verbal Cue

    Leader only

    Tanggapin natin ang basbas mula sa Mga Bilang 6:24–26:

  • Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka: Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at mahabag sa iyo: Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.

  • Trinitarian Seal

    Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen.

Doxology *

The Lord Bless You and Keep You