16 of 16 required Sections complete
Page 1
Morning Worship Service
June 28, 2026 Lord’s Day #26
Call to Worship *
Verbal Cue
Leader onlyPakinggan natin ang panawagan sa atin ng Diyos upang Siya’y sambahin. Ating basahin ang Mga Awit 47:5–9.
- Mga Awit 47:5–9Mga Awit 92:1–2, 4Psalms 92:1–2, 4
Ang Diyos ay pumailanglang na may sigaw, ang Panginoon na may tunog ng trumpeta. Kayo’y magsiawit ng mga papuri sa Diyos, kayo’y magsiawit ng mga papuri! Kayo’y magsiawit ng mga papuri sa ating Hari, kayo’y magsiawit ng mga papuri!Congr:Sapagkat ang Diyos ang hari ng buong lupa; magsiawit kayo ng mga papuri na may awit! Ang Diyos ay naghahari sa mga bansa; ang Diyos ay nakaupo sa Kanyang banal na trono. Ang mga pinuno ng mga bayan ay nagtipun-tipon bilang bayan ng Diyos ni Abraham; sapagkat ang mga kalasag ng lupa ay sa Diyos; Siya’y napakadakila. Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. Sapagka’t ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako’y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay. A Psalm. A song for the Sabbath day. It is good to praise the LORD, and to sing praises to Your name, O Most High, to proclaim Your loving devotion in the morning and Your faithfulness at night For You, O LORD, have made me glad by Your deeds; I sing for joy at the works of Your hands.
Prayer of Invocation *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong tawagin ng ating Panginoon upang sambahin Siya, dapat nating makita na tayo ay nangangailangan ng Kanyang buháy na Espiritu upang tayo’y makapaghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba. Tayo’y manawagan sa Diyos sa mga salitang ito mula sa Mga Awit 86:1,16:
Ikiling Mo ang Iyong pandinig, O Panginoon, at ako’y sagutin Mo, sapagkat dukha at nangangailangan ako.Congr:Lingunin Mo ako, maawa Ka sa akin; ibigay mo ang lakas mo sa Iyong lingkod.
Hymn of Adoration *
Great Is Thy Faithfulness
Verbal Cue
Leader onlySa tulong ng buháy na Espiritu ng Diyos, tayo’y magpuri sa ating Diyos na Trinidad. Ating awitin ang Great Is Thy Faithfulness.
Righteousness of God *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong magbigay ng papuri at pagsamba sa isang Diyos na buhay at banal sa pamamagitan ng isang awitin, atin namang iharap ang ating mga sarili sa Kanyang kautusan. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos <Exodo 20:1–17>:
Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi: Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 1 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. 2 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na diyus-diyosan. 3 Huwag mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 5 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 6 Huwag kang papatay. 7 Huwag kang mangangalunya. 8 Huwag kang magnanakaw. 9 Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. 10 Huwag mong iimbutin ang anumang bagay ng iyong kapwa.
Call to Confession
Verbal Cue
Leader onlyNasaksihan natin ang kabanalan at kadakilan ng Diyos sa Kanyang mga salmo at sa Kanyang kautusan. Ngayo’y tinatawag naman tayo upang magsisi sa ating mga kasalanan. Pakinggan natin ang panawagan sa atin sa 1 Juan 1:8–9.
Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
Confession of Sin
Verbal Cue
Leader onlyMga kapatid at mga minamahal, ating sabay-sabay ihayag ang ating mga kasalanan sa Diyos:
Prayer
Makapangyarihang Diyos, na ang kaluwalhatian ay pumupuno sa mga langit, at ang Iyong trono ay nakatayo sa itaas ng mga Kerubin, ipinahahayag namin na kami ay nagkasala laban sa Iyo sa aming mga iniisip, mga salita, at mga gawa. Dinungisan namin ang Iyong Banal na Pangalan at tinalikuran ang Iyong kautusan. Hindi namin hinanap ang Iyong mukha nang buong puso, at marami kaming mabubuting gawa na hindi nagawa. Sindihan Mo sa amin ang banal na dalamhati para sa aming paghihimagsik at para sa katuwirang aming pinabayaan. O Panginoon, Ikaw ay matuwid sa paghatol, ngunit mayaman sa awa at tapat sa pag-ibig. Sa Iyo ay may masaganang kapatawaran. Pagalingin Mo ang aming pagkawasak, liwanagan Mo ang aming madilim na isipan, patatagin Mo ang aming mahihinang kalooban, at pagkalooban Mo ng kapayapaan ang aming mga balisang kaluluwa. Amen.
Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.
Page 2
Hymn of Propitiation *
Jesus Paid It All
Verbal Cue
Leader onlyBilang tugon sa kaligtasan na mayroon kay Cristo Jesus, ating awitin ang “Jesus Paid It All.”
Assurance of Pardon *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating ihayag ang ating mga sala sa isang banal na Diyos, atin namang pakinggan ang Kanyang salita na nagpapakita ng katiyakan ng pagpapatawad ng isang maawain at mapagbiyayang Diyos.
- Juan 3:161 Pedro 2:24
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa Kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa punungkahoy, upang tayo’y mamatay sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran. “Dahil sa Kanyang mga sugat ay gumaling kayo.”
Absolution
Min:Sumasampalataya ba kayo sa ebanghelyong ito?Congr:Sumasampalataya kami.Min:Kung gayon, sa awtoridad ng Salita ni Cristo, habang kayo’y nagpapatotoo sa inyong sariling paniniwala sa ebanghelyo, ipinahahayag ng Kasulatan sa inyo na ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, at kayo’y wala na sa ilalim ng kaparusahan ng Diyos. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.Congr:Amen.
Prayer for Illumination
Verbal Cue
Leader onlyTayo po ay manalangin.
Hymn of Proclamation *
Speak, O Lord
Verbal Cue
Leader onlyBilang paghahanda sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating awitin ang Speak, O Lord. Ito ang sinasabi ng [Scripture]:
Sermon
“Living by Faith in Christ” -- Col. 2:6-10
Hymn of Dedication
How Great Thou Art
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating marinig ang pangangaral ng Salita ng Diyos na mamuhay bilang mga Kristiyano ayon sa Espiritu, ating awitin ang “How Great Thou Art” bilang tugon.
Affirmation of Faith *
Kredong Apostolico
Verbal Cue
Leader onlyAno ang ating paniniwala at dapat paniwalaan? <Kredong Apostolico>:
Sumasampalataya ako sa Diyos, ang Amang Makapangyarihan-sa-lahat, maylikha ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang Kanyang bugtong na Anak, na ating Panginoon. Siya ay ipinagdalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ipinanganak ni Birheng Maria. Nagdusa sa ilalim ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Siya ay bumaba sa mga patay. Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli; Siya ay umakyat sa langit, Siya ay naluklok sa kanang kamay ng Ama, at mula roon Siya ay babalik upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, sa banal na pangkalahatang Iglesya, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Offertory Call
Verbal Cue
Leader onlyBilang bahagi ng ating pagsamba sa ating Diyos na buháy, tayo ay magkakaloob. Sa sulat ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 9:6–7, makikita natin ang pangako ng Diyos sa mga nagkakaloob para sa gawain ng Panginoon:
At ito ang ibig kong sabihin: Ang naghahasik nang bahagya ay mag-aani rin nang bahagya, at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani rin nang sagana. Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.
Psalm of Thanksgiving
Psalm 103
Verbal Cue
Leader onlyHabang tayo’y nagkakaloob, ating sariwain ang mga kabutihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Psalm 103.
Pastoral Prayer
Charge *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating makita ang pagliligtas ng Diyos at marinig ang Kanyang Salita, ano ang nararapat nating tugon?
Hear now what the LORD says: “Arise, plead your case before the mountains, and let the hills hear your voice.
Benediction *
Verbal Cue
Leader onlyTanggapin natin ang basbas mula sa Efeso 3:20–21:
Ngayon, sa Kanya na makakagawa ng higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, Sumakanya nawa ang kaluwalhatian sa iglesya at kay Cristo Jesus sa lahat ng mga salinlahi, magpakailanpaman. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen.
Doxology *
The Lord Bless You and Keep You