15 of 16 required Sections complete
Still needed
Page 1
Morning Worship Service
August 23, 2026 Lord’s Day #34
Call to Worship *
Verbal Cue
Leader onlyPakinggan natin ang panawagan sa atin ng Diyos upang Siya’y sambahin. Ating basahin ang Mga Awit 29:1–4.
- Mga Awit 29:1–4Mga Awit 146:1–2, 10
Mag-ukol kayo sa Panginoon, O mga anak ng makapangyarihan, mag-ukol kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Iukol ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatia na nararapat sa Kanyang pangalan; sambahin ninyo ang Panginoon sa banal na kagayakan.Congr:Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng mga tubig; ang Diyos ng kaluwalhatian ay kumukulog, ang Panginoon, sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan, ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kadakilaan. Purihin ang Panginoon! Purihin mo ang Panginoon, O kaluluwa ko! Pupurihin ko ang Panginoon habang ako’y nabubuhay, ako’y aawit ng mga papuri sa aking Diyos, habang ako’y may buhay. Magpakailanman ang Panginoon ay maghahari, ang iyong Diyos, O Zion, sa lahat ng salinlahi. Purihin ang Panginoon!
Prayer of Invocation *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong tawagin ng ating Panginoon upang sambahin Siya, dapat nating makita na tayo ay nangangailangan ng Kanyang buháy na Espiritu upang tayo’y makapaghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba. Tayo’y manawagan sa Diyos sa mga salitang ito mula sa Mga Awit 86:1,16:
Ikiling Mo ang Iyong pandinig, O Panginoon, at ako’y sagutin Mo, sapagkat dukha at nangangailangan ako.Congr:Lingunin Mo ako, maawa Ka sa akin; ibigay mo ang lakas mo sa Iyong lingkod.
Hymn of Adoration *
Purihin ang Panginoon
Verbal Cue
Leader onlySa tulong ng buháy na Espiritu ng Diyos, tayo’y magpuri sa ating Diyos na Trinidad. Ating awitin ang Purihin ang Panginoon.
Righteousness of God *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos tayong magbigay ng papuri at pagsamba sa isang Diyos na buhay at banal sa pamamagitan ng isang awitin, atin namang iharap ang ating mga sarili sa Kanyang kautusan. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos <Exodo 20:1–17>:
Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi: Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 1 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. 2 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na diyus-diyosan. 3 Huwag mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 5 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 6 Huwag kang papatay. 7 Huwag kang mangangalunya. 8 Huwag kang magnanakaw. 9 Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. 10 Huwag mong iimbutin ang anumang bagay ng iyong kapwa.
Call to Confession
Verbal Cue
Leader onlyNasaksihan natin ang kabanalan at kadakilan ng Diyos sa Kanyang mga salmo at sa Kanyang kautusan. Ngayo’y tinatawag naman tayo upang magsisi sa ating mga kasalanan. Pakinggan natin ang panawagan sa atin sa 1 Juan 1:8–9.
Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ang Diyos ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
Confession of Sin
Verbal Cue
Leader onlyMga kapatid at mga minamahal, ating sabay-sabay ihayag ang ating mga kasalanan sa Diyos:
Prayer
Makapangyarihang Diyos, na ang kaluwalhatian ay pumupuno sa mga langit, at ang Iyong trono ay nakatayo sa itaas ng mga Kerubin, ipinahahayag namin na kami ay nagkasala laban sa Iyo sa aming mga iniisip, mga salita, at mga gawa. Dinungisan namin ang Iyong Banal na Pangalan at tinalikuran ang Iyong kautusan. Hindi namin hinanap ang Iyong mukha nang buong puso, at marami kaming mabubuting gawa na hindi nagawa. Sindihan Mo sa amin ang banal na dalamhati para sa aming paghihimagsik at para sa katuwirang aming pinabayaan. O Panginoon, Ikaw ay matuwid sa paghatol, ngunit mayaman sa awa at tapat sa pag-ibig. Sa Iyo ay may masaganang kapatawaran. Pagalingin Mo ang aming pagkawasak, liwanagan Mo ang aming madilim na isipan, patatagin Mo ang aming mahihinang kalooban, at pagkalooban Mo ng kapayapaan ang aming mga balisang kaluluwa. Amen.
Tayo’y magkaroon ng tahimik at taimtim na paghahayag ng mga sala sa Diyos.
Page 2
Psalm/Hymn of Propitiation *
Verbal Cue
Leader onlyBilang tugon sa kaligtasan na mayroon kay Cristo Jesus, ating awitin ang “[Psalm/Hymn].”
Assurance of Pardon *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating ihayag ang ating mga sala sa isang banal na Diyos, atin namang pakinggan ang Kanyang salita na nagpapakita ng katiyakan ng pagpapatawad ng isang maawain at mapagbiyayang Diyos.
- Galacia 1:3, 4Roma 8:35, 38, 39
Ang Panginoong Jesu-Cristo ang nagbigay ng Kanyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo’y Kanyang mailigtas mula sa kasalukuyang masamang kapanahunan, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. Sino, kung gayon, ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Sapagkat tayo’y naniniwalang lubos na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Absolution
Min:Sumasampalataya ba kayo sa ebanghelyong ito?Congr:Sumasampalataya kami.Min:Kung gayon, sa awtoridad ng Salita ni Cristo, habang kayo’y nagpapatotoo sa inyong sariling paniniwala sa ebanghelyo, ipinahahayag ng Kasulatan sa inyo na ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, at kayo’y wala na sa ilalim ng kaparusahan ng Diyos. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.Congr:Amen.
Prayer for Illumination
Verbal Cue
Leader onlyTayo po ay manalangin.
Hymn of Proclamation *
O’ Jehovah Patnubayan
Verbal Cue
Leader onlyBilang paghahanda sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating awitin ang O’ Jehovah Patnubayan. Ito ang sinasabi ng [Scripture]:
Sermon
Stand Firm: Putting on the Whole Armor of God | Eph. 6:10–20 | Bro. Jan Mark Niverba
Psalm of Dedication
Onward Christian Soldier
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating marinig ang pangangaral ng Salita ng Diyos na mamuhay bilang mga Kristiyano ayon sa Espiritu, ating awitin ang “Onward Christian Soldier” bilang tugon.
Affirmation of Faith *
Kredo ng Nicaea
Verbal Cue
Leader onlyAno ang ating paniniwala at dapat paniwalaan?
Sumasampalataya ako sa isang Diyos, ang Amang Makapangyarihan-sa-lahat, Maylikha ng langit at lupa, ng lahat ng mga bagay na nakikita at di- nakikita. At sa isang Panginoong Jesu-Cristo, ang Bugtong na Anak ng Diyos, ipinanganak ng Ama bago pa ang lahat ng mga panahon; Diyos mula sa Diyos, Liwanag mula sa Liwanag, tunay na Diyos mula sa tunay na Diyos; ipinanganak, hindi nilikha, kaisang kalikasan ng Ama, na sa pamamagitan Niya ay nilikha ang lahat. Siya, na para sa ating mga tao at para sa ating kaligtasan, ay bumaba mula sa langit, at nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at mula kay birheng Maria, at naging tao. Siya ay ipinako sa krus para sa atin sa ilalim ni Poncio Pilato; Siya ay nagdusa at inilibing. Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli, ayon sa mga Kasulatan; at umakyat sa langit, at naluklok sa kanang-kamay ng Ama. Siya ay muling paparito, nang may kaluwalhatian, upang hatulan ang mga buhay at mga patay; at ang Kanyang kaharian ay hindi magwawakas. At sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, ang Panginoon at Tagapagbigay-buhay, na nagmumula sa Ama at sa Anak, Siya na kasama ng Ama at ng Anak ay sinasamba at niluluwalhati; Siya na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta. At sumasampalataya ako sa isang banal, pangkalahatan, at apostolikang Iglesya. Kinikilala ko ang isang bautismo sa kapatawaran ng mga kasalanan. Tumatanaw ako sa muling pagkabuhay ng mga patay, at sa buhay sa sanlibutang darating. Amen.
Offertory Call
Verbal Cue
Leader onlyBilang bahagi ng ating pagsamba sa ating Diyos na buháy, tayo ay magkakaloob. Sa sulat ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 9:10–12, makikita natin ang pangako ng Diyos sa mga nagkakaloob para sa gawain ng Panginoon:
Siyang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay bilang pagkain ay Siyang magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magpaparami ng mga bunga ng inyong pagiging matuwid; na kayo ay pinayayaman sa bawat bagay dahil sa inyong kagandahang-loob, na sa pamamagitan namin ay nagbubunga ng pasasalamat sa Diyos. Sapagkat ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang pumupuno sa pangangailangan ng mga banal, kundi umaapaw rin sa pamamagitan ng maraming pasasalamat sa Diyos.
Psalm of Thanksgiving
Psalm 103
Verbal Cue
Leader onlyHabang tayo’y nagkakaloob, ating sariwain ang mga kabutihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Psalm 103.
Pastoral Prayer
Charge *
Verbal Cue
Leader onlyMatapos nating makita ang pagliligtas ng Diyos at marinig ang Kanyang Salita, ano ang nararapat nating tugon?
Benediction *
Verbal Cue
Leader onlyTanggapin natin ang basbas mula sa Judas 1:24–25:
Ngayon sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan sa harapan ng Kanyang kaluwalhatian na may malaking kagalakan, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon, Sumakanya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang kapangyarihan at ang kapamahalaan, bago pa ang lahat ng panahon, at ngayon at magpakailanman.
Doxology *
The Lord Bless You and Keep You